Skip to main content
Release-Date
Reference-Number
2024-0400-PR36

19 July 2024 – Kabilang ang Philippine Statistics Authority Region IV-A, sa pangunguna ni Regional Director Charito C. Armonia, sa mga ahensya ng gobyerno na nakiisa sa ginanap na Serbisyong Bayanihan Caravan para sa Kapulisan at Kapamilya ng PNP 4A noong 18 Hulyo 2024.

Ang PSA Region IV-A ay nakilahok sa caravan upang magbigay ng serbisyo sa mga pulis at miyembro ng kanilang pamilya na kukuha ng Philippine National ID at civil registry documents tulad ng birth, marriage at death certificate at CENOMAR. Kabilang din sa mga serbisyong ipinagkaloob ng PSA ay ang pagbibigay ng payo sa mga may problema sa National ID at birth certificate.

Ibinahagi ng PSA sa mga naging kliyente ang kahalagahan at benepisyo ng pagkakaroon ng National ID sa mga transaksyon sa gobyerno maging sa mga pribadong tanggapan. Ibinahagi din ng PSA ang implementasyon ng Digital National ID at ang paraan ng pag download nito gamit ang eGov app o ang national-id-gov.ph.

Dumalo sa pagdiriwang si PNP Chief PBGen Rommel Francisco D. Marbil kung saan naging pangunahing bahagi ng aktibidad ay ang pagbibigay niya ng sertipikasyon sa mga ahensyang  dumalo at nagbahagi ng serbisyo sa caravan para sa kapulisan.

Sa kabuuan, may 13 pulis ang nag parehistro sa PhilSys, 134 aplikasyon para sa issuance ng birth, marriage at CENOMAR at higit 40 inquiries ang sinerbisyuhan ng PSA sa buong araw ng aktibidad.

Ang Serbisyong BAYANIHAN Caravan para sa Kapulisan at Kapamilya ng PNP 4A ay isinagawa sa PRO 4A Covered Court, Camp BGen Vicente P Lim, Calamba City


(SGD.)
CHARITO C. ARMONIA
Regional Director
PSA Region IV-A

PSA Quezon warns the public on Fake National ID

The Philippine Statistics Authority (PSA) - Quezon warns the public on the emerging fake National ID circulating across the province.

National ID Advocacy Campaign and Registration in Various Municipalities of Quezon Province

The Philippine Statistics Authority (PSA) Quezon recently conducted a National ID Advocacy Campaign and Registration in various municipalities of Quezon province reinforcing its commitment to…

PSA Quezon Launches National ID Services

The Philippine Statistics Authority, being the implementing agency in the registration and issuance of a single National ID for all Filipino citizens and resident aliens, launches several National ID…