Accessibility Toolbox
Color Contrast
Text Size
Highlighting Content
Zoom In
learn more about  toolbox  
ITDS-KMCD-ODS  
Drupal Accessibility Toolbar  toolbox  
Skip to main content
Release-Date
Reference-Number
2025-0400-PR03

Muling nagbukas ang mga registration centers ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa National ID program sa CALABARZON noong ika 20 ng Enero 2025, na may layuning matulungan ang mga mamamayan sa rehiyon na makumpleto ang kanilang pagkuha ng National Identification o National ID.

Ayon kay PSA Regional Director Charito C. Armonia, ang muling pagbubukas ng National ID registration ay isinagawa upang matugunan ang pangangailangan ng mga residente sa CALABARZON na wala pang National ID. Ito ay bilang bahagi ng mas malawak na inisyatiba ng gobyerno na pabutihin ang mga serbisyo sa mga mamamayan at magkaroon ng isang centralized na sistema para sa iba't ibang transaksyon.

Sa mga unang linggo ng taon, inumpisahan ang muling pag-aalok ng registration slots sa mga lokal na opisina at mga mobile registration units na inilunsad sa iba't ibang bayan at lungsod sa rehiyon. Nakatuon ang PSA na gawing mas accessible ang mga registration sites para sa mga residente sa mga malalayong lugar.

Inaasahan na sa muling pagsimula ng National ID registration ay makikinabang hindi lamang ang mga taga-CALABARZON kundi pati na rin ang iba pang bahagi ng bansa. Ang pagsasama-sama ng mga impormasyon sa isang ID ay makatutulong sa paglutas ng mga isyu ukol sa pagkakakilanlan ng isang tao at pagbabawas ng mga peke at hindi awtorisadong dokumento.

Patuloy ang PSA sa pagbibigay ng impormasyon at gabay tungkol sa proseso ng pagpaparehistro. Hinihikayat ang mga mamamayan na magtungo sa mga nakatalagang registration centers o makipag-ugnayan sa kanilang mga lokal na tanggapan upang magpatala.

Ang National ID ay isang pambansang proyekto ng gobyerno na pinangungunahan ng PSA upang magtatag ng isang unified at secure na sistema ng pambansang pagkakakilanlan para sa lahat ng mga Filipino.


SGD. CHARITO C. ARMONIA
Regional Director


WAV/JBN

Reference Period
2025

National ID Rebranding: Philippine Identification Now Officially the National ID

Republic Act No. 11055, commonly referred to as the Philippine Identification System Act, seeks to create a unified national identification system for all Filipino citizens and resident aliens in the…

PSA Batangas Joins GCash Youth Event at University of Batangas

The Philippine Statistics Authority (PSA) Batangas joined forces with GCash in a special youth-centered event at the University of Batangas on February 17-18, 2025, to facilitate National ID…

PSA Batangas Integrates National ID Registration in Civil Registration Mobile Outlet Activity in the Municipality of San Juan

The Philippine Statistics Authority (PSA) Batangas successfully integrated the National Identification System (NID) registration during the Civil Registration Mobile Outlet Activity held in Barangay…