Skip to main content
Release-Date
Reference-Number
2024-0400-PR22

Umabot na sa 12,564,355 Pilipino sa CALABARZON ang nakapagtala sa Philippine Identification System (PhilSys) simula sa unang araw ng implementasyon nito hanggang sa unang tatlong buwan ng 2024. Bukod dito, matagumpay din na naipamahagi ang 6,265,732 PhilID cards sa mga rehistradong indibidwal. Ito ay bunga ng masinsinang implementasyon at mga estratehiyang ipinapatupad ng Philippine Statistics Authority Region IV-A sa pagtatala ng mga indibidwal sa PhilSys.

Ayon kay Regional Director Charito C. Armonia, “Ang tagumpay na ito ay isang malaking hakbang patungo sa layunin nating makapaghatid ng serbisyong mas episyente at abot-kaya sa bawat Pilipino. Sa pamamagitan ng PhilSys, mas napapadali natin ang pag access sa mga serbisyong pampubliko at pribado, at napapalakas ang seguridad at integridad ng ating mga transakyon.”

Patuloy na hinihikayat ng PSA ang lahat ng Pilipino na magparehistro at makibahagi sa sistemang ito na naglalayong pag-ibayuhin ang ating bansa. Ang mga karagdagang detalye tungkol sa proseso ng pag paparehistro at mga schedule ay matatagpuan sa opisyal na website ng Philsys at mga opisyal na social media pages.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipagugnayan kay PhilSys Registration Officer III Juliedin B. Nohay sa rsso04a@psa.gov.ph


(SGD.)
CHARITO C. ARMONIA 
Regional Director
PSA Region IV-A


WAV/JBN

PSA CALABARZON nakiisa sa Serbisyong BAYANIHAN Caravan para sa Kapulisan at Kapamilya ng PNP

19 July 2024 – Kabilang ang Philippine Statistics Authority Region IV-A, sa pangunguna ni Regional Director Charito C. Armonia, sa mga ahensya ng gobyerno na nakiisa sa ginanap na Serbisyong…

PSA Quezon Collects Data on Poverty Indicators

PSA Quezon is currently conducting the 2024 Annual Poverty Indicators Survey (APIS). It is the the 15th in a series of poverty indicators survey conducted nationwide since 1998. APIS is the main…

PSA Quezon Launches the Conduct of 2024 POPCEN-CBMS in Quezon Province

On July 15, 2024, the Philippine Statistics Authority (PSA) - Quezon Provincial Statistical Office launched the conduct of 2024 Census of Population and Community-Based Monitoring System (2024 POPCEN…