PHILSYS Information Awareness Campaign, Patuloy na isinasagawa
Release-Date
Reference-Number
2023-0400-PR14
Bilang parte ng PhilSys Information Awareness Campaign sa rehiyon, pinamunuan ni PSA Region 4A Registration Officer IV Marife C. Bautista ang Philsys Information Dissemination sa mga kliyente ng CRS Outlet Lipa nitong Biyernes, Abril 28, 2023. Ang programa ay bilang pagbibigay alam sa publiko ng mandatos at mahahalagang impormasyon tungkol sa Philsys Identification System tulad ng sa pagpaparehistro sa PhilSys, gamit ng PhilID at ePhilID, pati na rin ang paraan upang ma-check ang awtentisidad ng PhilID at ePhilID gamit ang PhilSys Check. Isinagawa rin ang PhilSys Quiz Bee at IEC materials Distribution para sa mga partisipante upang magbigay saya at masukat ang natutunan sa nasabing disiminasyon. Nagbigay naman ang ahensya ng PhilSys T-shirt at PSA ecobag bilang premyo sa mga nanalo. Maraming bilang ng mga kliyente ang aktibong nakilahok sa isinagawang programa, karamihan ay nagalak na sila ay may nalaman at natutunan. Ang ilan ay nagmungkahi ay humiling na sana ay patuloy na magsagawa ang Philippine Statistics Authority ng pagtulong at pagbibigay impormasyon sa publiko. (SGD.) CHARITO C. ARMONIA Regional Director PSA Region IV-A MCB/CGRD
The Philippine Statistics Authority (PSA) Quezon Provincial Statistical Office conducted a seminar for mall tenants of Pacific Mall - Lucena City, Quezon on 27 November 2024. It was held at the 3rd…
The Philippine Statistics Authority (PSA) demonstrated its unwavering commitment to public service by joining the Provincial Assistance for Community, Public Employment, and Youth & Sports…
The Philippine Statistics Authority (PSA) releases updates on the 2023 Full Year Official Poverty Statistics based on the preliminary results of the 2023 Family Income and Expenditure Survey. It was…