Nais po naming ipagbigay alam na ang Philsys Registry Office (PRO) na nalikha sa pamamagitan ng Republic Act No. 11055 ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay nasa proseso ng pagkukompleto ng mga dokumento para sa pag-bid ng gagamiting sistema para rito na isasagawa sa pamamagitan ng competitive bidding. Ito ay susunod sa mga umiiral na panuntunan at regulasyon sa procurement tulad ng Republic Act No. 9184 at ang Implementing Rules and Regulations nito. Nilalayon naming simulan ang unang bahagi ng pagpaparehistro sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys) sa loob ng taong ito. Dahil dito, at aming idinidiin ang aming naunang Paalala, na sinumang tao o grupo na tumatanggap ng bayad o nagpapakilala bilang mga awtorisadong registration centers ay hindi konektado sa PSA sa anumang paraan. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring tumawag sa 616-63-61 o mag-email sa nids.staff@psa.gov.ph. Salamat po. LISA GRACE S. BERSALES, Ph.D. Undersecretary National Statistician and Civil Registrar General
The Philippine Statistics Authority (PSA) Quezon Provincial Statistical Office conducted a seminar for mall tenants of Pacific Mall - Lucena City, Quezon on 27 November 2024. It was held at the 3rd…
The Philippine Identification System (PhilSys) team in Batangas has strengthened its partnership with the Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Pantawid Pamilyang Pilipino Program (…
On November 8, 2024, the Department of Social Welfare and Development (DSWD) conducted a successful Systems Caravan at Tingloy Central School in Poblacion 14, Tingloy, Batangas.