Skip to main content
Release-Date
Reference-Number
2023-159
  Magsisimula na ngayong araw, Setyembre 4, 2023, sa buong bansa kasama na ang lalawigan ng Quezon, ang 2022 Census of Agriculture of Fisheries o ang CAF. Ang CAF ay napakahalaga dahil ito ay magsisilbing comprehensibong larawan ng mga sektor ng agrikultura at pangisdaan na may mahalagang kontribusyon sa seguridad sa pagkain , katatagan ng ekonomiya, at pagpapanatili sa pag-unlad ng ating lalawigan at ng buong bansa. Ang mahalagang gawaing ito sa pangongolekta ng datos ay isinasagawa ng Philippine Statistics Authority kada 10 taon lamang.     Ang pangunahing layunin ng 2022 CAF ay mangalap ng mahahalagang datos ukol sa mga katangian ng sektor ng pagsasaka at pangisdaan, partikular ang tungkol sa paghahalaman, paghahayupan at manukan, uri ng cultured species sa mga aquafarms at iba pang impormasyon ukol sa pangingisda. Ang mga impormasyong ito ay magbibigay ng praktikal na gamit sa pambansa at lokal na pagpaplanong pangkaunlaran ng pamahalaan. Dagdag pa dito, makakalap din ang impormasyon ukol sa mga pasilidad at serbisyong mayroon at nagagamit sa bawat barangay na may kinalaman sa nasabing sektor.    Sa lalawigan ng Quezon, ang survey ay isasagawa sa 261 na mga sample barangay. Tinatayang may kasamang halos 62 libong operator sa pagsasaka, pangisdaan, at aquaculture at nasa 58 libo naman ang sambahayan na may miyembro na operator sa mga nasabing sektor.   Upang maging matagumpay ang 2022 CAF sa lalawigan ng Quezon, 339 na mga enumerator (EN), 61 na mga team supervisor (TS), 22 Census Area Supervisor (CAS), at 22 Assistant Census Area Supervisor (ACAS) ang kinuha ng PSA para mag-census.     Ang census ay isasagawa mula ika-4 ng Setyembre hanggang ika-25 ng Oktubre 2023. Ang mga inaasahang sasagot sa mga bibisitang census enumerator ay mga operator, pinuno o miyembro ng sambahayan na makakapagbigay ng kinakailangang datos tungkol sa sambahayan at operasyon ng pagsasaka, pangisdaan at aquaculture.   Kaakibat nito, hinihimok ng PSA ang lahat ng mga sasagot sa census,  kasama na ang mga opisyal ng barangay, na suportahan ang gawaing ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng totoo at tamang impormasyon. Bibisitahin ng mga census enumerator ng PSA ang mga sambahayan at mga operator sa sample na barangay upang gawin ang personal na pakikipanayam.     Inaanyayahan din ang lahat na aktibong suportahan ang 2022 CAF sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng balita tungkol sa pagsasagawa ng mahalagang census na ito gamit ang iba’t ibang social media platform.                                         CAFarmer, CAFisher, patuloy tayong magtulungan para sa pagpapabuti ng ating mga komunidad sa sektor ng agrikultura at pangisdaan. (IJAvila/PSA-Quezon)     (SGD.) AIRENE A. PUCYUTAN Provincial Statistics Officer   AAP/IJCA

PRESS RELEASE: 2022 Census of Agriculture and Fisheries, Nagsimula na

Magsisimula na ngayong araw, Setyembre 4, 2023, sa buong bansa kasama na ang lalawigan ng Quezon, ang 2022 Census of Agriculture of Fisheries o ang CAF. Ang CAF ay napakahalaga dahil ito ay…