PhilSys Step 2 Registration sa mga Paaralan, Patuloy na Umaarangkada
Release-Date
Reference-Number
2023-0400-PR11
Patuloy ang pag-arangkada ng PhilSys Step 2 Registration sa mga paaralan sa CALABARZON. Layunin nito na mairehistro ang mga estudyanteng limang (5) taong gulang pataas pati na rin ang kanilang mga guro. Ito ay parte ng estratehiya ng Philippine Statistics Authority upang maabot ang target nito na mairehistro ang 92 milyong Pilipino bago matapos ang taong kasalukuyan. Bukod sa Step 2 Registration ay maaari ring makakuha ng “printed ePhilID” ang mga estudyante at mga guro na nakapagparehistro na at may available nang ePhilID. Kailangan lamang nilang ipakita ang kanilang “transaction slip” upang macheck ng PhilSys personnel kung available na ito. Para sa iba pang impormasyon tungkol dito, maaari kayong tumawag sa mga sumusunod na numero: PSA Regional Office 4A (043) 756 0412 PSA Batangas (043) 723-2207 (043) 425-1221 PSA Cavite (046) 686-5728 PSA Laguna (049) 562-6401 (049) 562-9605 PSA Quezon (042) 716-0579 (042) 373-6832 (042) 373-7059 (042) 717-3629 PSA Rizal (02) 8696-6366 (02) 7092-0781 (SGD.) CHARITO C. ARMONIA Regional Director PSA Region IV-A MCB/EPA
The Philippine Statistics Authority (PSA) releases updates on the 2023 Full Year Official Poverty Statistics based on the preliminary results of the 2023 Family Income and Expenditure Survey. It was…
The economy of Quezon grew by 5.3 percent in 2023 from its 2022 level, slower than the 7.7 percent growth in the previous year. This represents an increase in the value of Gross Domestic Product (GDP…