27 Agosto 2024 – Isa ang National ID registration sa mga serbisyong ipinagkaloob ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa pagdaraos ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na ginanap sa Aboitiz Pitch, Lima Park, Lipa City, Batangas noong Agosto 24-25, 2024.
Sa kabuuan, nasa 100 Batangueño ang nakapagparehistro para sa National ID sa loob ng dalawang araw ng BPSF. Sa bilang na ito, mahigit sampu ang naisyuhan ng kanilang ePhilID. Bukod dito, may mahigit 100 Batangueño din na dati nang nakapagparehistro ang naisyuhan ng kanilang ePhilID.
Namahagi rin ang PSA ng mga leaflets sa mga dumalo sa BPSF tungkol sa Digital National ID, National ID Check, at National ID eVerify.
Kasama rin sa mga serbisyong ipinagkaloob ng PSA ang pag-isyu ng mga civil registry documents, kung saan agad natanggap ng mga nag-request ang kanilang mga dokumento.
Ang BPSF Batangas Leg ay ika-22 yugto ng proyekto, na may layuning maabot ang lahat ng 82 probinsya sa buong bansa upang maghatid ng "Mabilis, Maayos, Maginhawa, at Masayang Serbisyo Publiko."
(SGD.)
CHARITO C. ARMONIA
Regional Director