Skip to main content
Release-Date
Reference-Number
2020-0400-PR02
Hiling at panawagan ng Philippine Statistics Authority (PSA) Region IV-A sa pamumuno ni Regional Director Charito C. Armonia ang suporta at kooperasyon ng lahat ng mamamayan sa CALABARZON para sa ikatatagumpay ng Senso ng Populasyon at Pabahay sa  Setyembre 2020. Ang nasabing senso ay tumutukoy sa buong proseso ng pagkolekta, pag-iipon, pagsusuri, pag-isyu at pagpapakalat ng mga datos tungkol sa populasyon at tirahan sa isang bansa. Sinasaklaw din nito ang paglilista at pagtatala ng mga katangian ng bawat indibidwal at tirahan sa loob ng isang tukoy na oras at teritoryo. Ang 2020 CPH ay ang ika-15 senso ng populasyon at ika-7 senso ng pabahay na isasagawa sa bansa mula pa noong unang senso noong 1903.   Layunin ng 2020 CPH na makabuo ng kumpleto, napapanahon at kapaki-pakinabang na mga datos tungkol sa populasyon at pabahay. Ang mga pangunahing gamit ng mga datos na makukuha sa 2020 CPH ay ang mga sumusunod: (i) Sa pamahalaan, sa pagbalangkas ng mga patakaran at programa tungkol sa iba’t ibang mga bahagi ng populasyon tulad ng para sa mga sanggol, bata, kabataan, matatanda, kababaihan, nagtatrabaho at iba pa; (ii) gagamitin sa pagsasagawa ng programa na may kaugnayan sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa kalusugan, edukasyon, trabaho, pabahay, imprastraktura, lunas sa kalamidad, at iba pang mga isyung pang sosyo-ekonomiko; (iii) paglalaan ng mapagkukunan ng kita; (iv) paglikha o pagsasalin ng mga yunit pampulitika at pang-administratibo; at (v) muling pamamahagi at pagbibigay ng mga puwesto sa kongreso.  Sa negosyo at industriya, ang mga istatistika ay gagamitin sa (i) pagtatatag ng mga bagong negosyo;  (ii) pagpapasiya ng mga kahilingan ng mamimili para sa iba’t ibang mga kalakal at serbisyo; at (iii) pag-aayos ng suplay ng paggawa para sa nagibibigay ng mga kalakal at serbisyo.  Sa mga Institusyong Pananaliksik at Pang-akademiko, ang mga istatistika ay gagamitin sa (i) pagsasagawa ng mga pananaliksik ukol sa populasyon at mga kaugnay na disiplina; at (ii) pag-aaral ng paglaki ng populasyon at pamamahagi ng heograpiya bilang mga batayan sa paghahanda ng mga projection ng populasyon sa pambansang antas at subnational.   Ang legal na basehan ng PSA sa pagsasagawa ng 2020 CPH ay ang Republic Act (RA) No. 10625 (Philippine Statistical Act of 2013) na kung saan pangunahing responsable ang PSA para sa lahat ng pambansang senso at sarbey, istatistikang sektoral, pagsasama-sama ng sistema ng administratibong pagtatala, at pangangalap ng pambansang accounts (national accounts). Ipinag-uutos ng Seksyon 6(b) ng nasabing batas sa PSA na “maghanda at magsagawa ng pana-panahong sensus ng populasyon, pabahay, agrikultura, pangisdaan, negosyo, industriya at iba pang mga sektor ng ekonomiya”. Ayon naman sa Batas Pambansa (BP) Blg. 72, ang PSA ay binigyan ng awtoridad na magsagawa ng senso ng populasyon tuwing sampung (10) taon na nagsimula noong 1980. Ang unang talata ng Seksyon 27 ng RA 10625 ay nagsasaad na “ang mga sumasagot sa mga pangunahing aktibidad sa pagkolekta ng datos tulad ng senso at sarbey ay obligadong magbigay ng totoo at kumpletong mga kasagutan sa mga katanungang pang-istatistika. Ang pagtitipon, pagsasama-sama at pagsusuri ng naturang datos ay dapat gawin sa pinakatapat at kapani-paniwalang pamamaraan.  Ang ikalawang talata ng Seksyon 27 ng RA 10625 ay nagsasaad pa na “ang sinumang indibidwal na tumatanggi o hindi magbibigay ng totoo at kumpletong mga kasagutan sa katanungang pang-istatistika ay may parusang isang taon na pagkakabilanggo at multang isang daang libong piso (Php 100,000.00)”. Ang lahat ng tauhan na bahagi ng pagsasagawa ng 2020 CPH ay kinakailangan na panatilihing kumpidensyal ang anumang impormasyon na makukuha sa senso na nauukol sa anumang partikular na sambahayan o tao. Ang pagsasagawa ng sensus ay hindi paglabag sa Data Privacy Act.  Sapagkat tulad ng itinakda sa Republic Act (RA) No. 10173 o ang Data Privacy Act of 2012, patakaran ng estado na protektahan ang kumpidensyal na pangunahing karapatang pantao, ang komunikasyon habang tinitiyak ang libreng daloy ng impormasyon upang maisulong ang pagbabago at paglago, at kilalanin ang mahalagang papel ng teknolohiyang impormasyon at komunikasyon sa pagbuo ng bansa at ang likas na tungkulin nito upang matiyak na ang personal na impormasyon at mga sistema ng komunikasyon sa gobyerno at sa pribadong sektor ay ligtas at protektado.       (SGD) CHARITO C. ARMONIA Regional Director PSA Region IV-A  
Tags

Age and Sex Distribution in Unisan (2020 Census of Population and Housing)

As of May 1, 2020, the household population of Unisan was recorded at 25,442 individuals, based on the result of the 2020 Census of Population and Housing (2020 CPH).

Age and Sex Distribution in Tagkawayan (2020 Census of Population and Housing)

As of May 1, 2020, the household population of Tagkawayan was recorded at 53,928 individuals, based on the result of the 2020 Census of Population and Housing (2020 CPH).

Age and Sex Distribution in Tiaong (2020 Census of Population and Housing)

As of May 1, 2020, the household population of Tiaong was recorded at 106,147 individuals, based on the result of the 2020 Census of Population and Housing (2020 CPH).