Family Income and Expenditure Survey

PSA CALABARZON humihingi ng suporta para sa 2018 Family Income and Expenditure Survey

Ang Philippine Statistics Authority (PSA) CALABARZON ay magsasagawa ng 2018 Family Income and Expenditure Survey (FIES 2018) ngayong darating na buwan ng Hulyo. Ayon kay Regional Director Charito C. Armonia, tinatayang 8,640 na kabahayan ang sample ng FIES sa rehiyon na bibisitahin ng humigit-kumulang 287 enumerators. Dahil sa dami ng enumerators na kailangan para maisagawa ang FIES sa rehiyon, sa ngayon ang PSA ay tumatanggap ng aplikante para sa magiging FIES enumerators. Para sa mga gustong maging enumerator, ayon kay RD Armonia, maaari silang mag-aplay sa mga opisina ng PSA sa bawat probinsya.

Subscribe to RSS - Family Income and Expenditure Survey